"Yamang Likas"
“Yamang-Likas”
(Tugmang
tula)
Charlotte S. Creus
Kalikasan ang aming inaasahan
Kapag may kailangan siya’y lalapitan
Ang mga bulaklak, puno at halaman
Pati mga bundok at
ang karagatan
O Kalikasan,
kay ganda mong pagmasdan
Likas na Yaman sayo’y pinagkukunan
Maraming bagay ang pakikinabangan
Para sa hinaharap ng sambayanan
Ngunit ano na ang nangyari sa’yo?
Tao sa paligid ay umaabuso
Kalikasa’y malapit nang maghingalo
Isang kalabit na lang, luha’y tutulo
Kaya’t bawat tao’y magtulong-tulungan
Ating kalikasan ay pangalagaan
Upang mapanatili ang kagandahan
Nang maabutan pa
ang kasalukuyan
Comments
Post a Comment