"Medalyon"














“Medalyon”
(Tugmang tula)
Jashley Dalangin

Ako ay may pangarap na nais makamit
Ngunit pag asang maabot ay maliit
Mga pangarap na ‘sing taas ng bituin
May pag asa ban a kaya kong abutin?


Gaano man kataas ay pipilitin
Maabot lamang aking mga mithiin
Para sa magulang na nag pakahirap
Ako’y di titigil at mag susumikap

Sa mga kislap ng tala ako’y nakatingin
Umaasa na pangarap ko ay dinggin
Ngunit sa akin ay walang mangyayari
Kung ako’y uupo lamang at ngingiti

Ang sandata ay determinasyon
Inspirasyon ng pamilya’y lagging baon
At sa pagdating ng tamang panahon

Makakamit ang pangarap na medalyon



Comments

Popular posts from this blog

"Inang Kalikasan"

“Pangarap na Buhay”