"Inang Kalikasan"



“Inang Kalikasan”
(Tugmang tula)
Jashley Dalangin

Inang kalikasan dapat alagaan
Ito ay ating tunay na kayamanan
Binibigay lahat ng pangangailangan
Sa lahat ng taong ditto naninirahan

Dati ay kay ganda ng kapaligiran
Ngunit bakit tila mga tao’y nag bago
Ang kalikasan ngayo’y dinudungisan
Mga likas na yaman ay inaabuso

Ating mundo’y unti-unting nasisira
Dahil ito sa ating pag papabaya
Oo, tayong mga tao ang may pakana
Ngayo’y inang kalikasan ay lumuluha

Ngunit hindi pa naman huli ang lahat
Halina’t ating mga mata ay imulat
Iligtas at muling buhayin ang mundo
Dahil iyon ang misyon nating mga tao



Comments

Popular posts from this blog

"Medalyon"

“Pangarap na Buhay”