"Tatsulok"
“Tatsulok”
(Sanaysay)
Jashley Dalangin
Ang korupsyon ay ang paggamit ng mga politiko ng pondo ng bayan para sa
pansirili nilang kapakanan. Ito ay isa sa mga katiwalian ng gobyerno na laganap
hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa iba pang mga bansa. Ito ay tila
sakit ng maraming bansa na hindi kayang gamutin ng ng kahit anong bagay.
Ang korupsyon ay hindi nakakatulong sa ating bansa ngunit bakit patuloy parin
itong ginagawa ng mga politiko? Dahil sila ay nakikinabang dito. Tulad na lang
ng Pork Barell scam ni Janet Lim Napoles na naganapp noong Agosto 2013.
Maraming bagay ang ginagawa ng mga politiko makapangurakot lamang. Gaya ng
‘ghost projects’ at ‘ghost employees’ kung saan ay may sinasabi ang politiko na
siya ay may proyekto at hihingi ng pondo ngunit wala naman talagang proyektong
magagawa at ang pondong hiningi ay mapupunta lamang sa kanilang bulsa. Ang isa
pang halimbawa ay may gagawin ulit proyekto ang mga opisyales at hihingi ng
malaking pondo para sa nasabing proyekto pero ang mangyayari ay bibili sila ng
sub-standard o may mababang kalidad na mga kagamitan upang hindi nila magastos
ang lahat ng pondo at ang matitirang pera sa pondo ay sa bulsa nila ang punta.
Masasabi ko na ang ating mundo ay gaya ng isang tatsulok dahil ang mga politiko
na nasa tuktok ay patuloy na yumayaman habang tayong mga mamayaman na nasa
ibaba pahirap ng pahirap.
Comments
Post a Comment