"Inang Kalikasan"
“Inang Kalikasan” (Tugmang tula) Jashley Dalangin Inang kalikasan dapat alagaan Ito ay ating tunay na kayamanan Binibigay lahat ng pangangailangan Sa lahat ng taong ditto naninirahan Dati ay kay ganda ng kapaligiran Ngunit bakit tila mga tao’y nag bago Ang kalikasan ngayo’y dinudungisan Mga likas na yaman ay inaabuso Ating mundo’y unti-unting nasisira Dahil ito sa ating pag papabaya Oo, tayong mga tao ang may pakana Ngayo’y inang kalikasan ay lumuluha Ngunit hindi pa naman huli ang lahat Halina’t ating mga mata ay imulat Iligtas at muling buhayin ang mundo Dahil iyon ang misyon nating mga tao
Comments
Post a Comment