"Kapit-bisig"
“Kapit-bisig”
(Malayang tula)
Kysha Cordova
Isang bayan na tila hindi mo maintindihan
Mga pagkakataong ang daming problema
bawat sulok ay
may nakakalat
mga paa ko’y nandidiring maglakad
Bayan nating ibinigay ng Panginoon
pagmamahalan ang siya’y kailangan
Dilaw,pula at asul ang watawat
Kaya mga tao siguradong maghahawak-kamay
Isang bansa,Isang problema tayo ay sama sama
madaming suliranin kaya ito ay haharapin
Itatama ang bawat pagkakamali
Upang isa isang tutungo sa itaas
Magulong bansa ang nakikita ng mata
pumunta ka dito nang iyong maintindihan
hindi magiging hadlang ang isang problema
dahil ang aking bansa ay Pilipinas
Comments
Post a Comment