"Kapayapaan"
“Kapayapaan”
(Tugmang
tula)
Jashley Dalangin
Kaakibat ng digmaan ay patayan
Pati ang pag danak ng dugo sa bayan
Ngunit hindi sagot ang kaharasan
Kaya’t ang digmaan ay ating tigilan
Mga tao’y tila ibon na nakakulong
Sumisigaw at humihingi ng tulong
Humihiling sila ng kapayapaan
Pati ang tahimik na kapaligiran
Maraming buhay ang isinakripisyo
Kaya dapat nang itigil ang mga ito
Dahil wala namang mananalo dito
Lahat tayo ay uuwing talo
O kapayapaan, asaan ka na
Mga tao dito’y kailangang kailangan
ka
Halika rito samin, kapayapaan
Iyong yakapin ang buong sambayanan
Comments
Post a Comment