"Isyu sa Pilipinas"




“Isyu sa Pilipinas” 
(Sanaysay)
Charlotte S. Creus 


“Isang estudyante, patay matapos manlaban…” puro ganyan na lang ang naririnig sa mga telebisyon at radyo. Kailan nga ba tayo magsasawa at kailan matatapos ang mga ganitong balita? Araw-araw, paulit-ulit na lang ang mga ganitong pangyayari. Ano na ba ang nangyayari sa Pilipinas? 

Droga, droga ang puno’t dulo kung bakit maraming buhay ang nawawala. Bakit ba sila gumagamit ng droga? Dahil gusto nilang makalimot, tumakas sa problema o dahil wala lang? Kung kailan nila gustong gumamit ay malaya silang makakagamit? Hindi dapat gano’n ang iyong iniisip, dahil walang magandang bagay na maidudulot ito. Dahil sa patuloy mong paggamit ng droga, nalalason na nito ang iyong utak. Pumapasok na sa iyong isip na gumawa ng mga hindi kanais-nais na gawain. Unti-unti nitong binabago ang isang tao. Nagsimula sa mabuti at sa isang iglap lang ay isa ka na sa mga walang pakinabang at walang kwenta sa mundo.  


Kung patuloy itong lalaganap sa Pilipinas, ano na kaya ang hinaharap na naghihintay sa mga tao? Pati ang mga walang malay at mga inosenteng tao ay nadadamay. Hindi na malaman kung ano nga ba ang totoo at sa kasinungalingan. Magbabago pa ang takbo ng iyong mga buhay, simulan niyo sa inyong sarili. Wakasan na natin ang mga masasamang Gawain at tumulong tayo sa pag-unlad at mapaganda ang Pilipinas.  


Comments

Popular posts from this blog

"Inang Kalikasan"

"Medalyon"

“Pangarap na Buhay”