"Convenient Store"
Convenient
Store
(Maikling
Kwento)
Jashley Dalangin
“Hay…lunes na naman.” Sabi ko sa aking sarili habang
inaayos ko ang aking damit habang nakatingin sa salamin. Sandaling tumingin ako
sa orasan at nakita na dapat na pala akong umalis upang hindi mahuli sa aking
trabaho. Kinuha ko na ang aking mga gamit at nag suot ng spatos at dali-daling
umalis sa aking condo.
Kanina pa ako ako nagsasalita dito pero di niyo pa pala ako
kilala. Ang pangalan ko nga pala ay Declan Lee, 22 yrs old, half-korean,
half-filipino, lalaki at graduate ng BS Architecture. Ngayon ay papunta na ako
sa convenient store na malapit lang sa aking condo. Araw –araw akong
dumadaan dito bago dumiretso sa aking trabaho. Pagpasok ko pa lang sa
convenient store ay nakita ko na nandoon na SIYA. Mukhang kararating lang rin
niya ah. SIYA ay naka itim na leather jacket, ripped jeans at naka puting pang
itaas. SIYA ay may maputing kutis, singkit na mga mata at mint green na buhok.
Sa unang tingin pa lang ay mapapansin mo na na hindi siyang purong Pilipino.
Ang SIYA na tinutukoy ko kanina pa ay ang lalaking parati kong nakikita at
nakakasabay dito sa convenient store. May ilang buwan na rin nang mapansin kong
sa tuwing dadating ako ay nandito na siya at sa tuwing paalis na ako ay ganoon
din siya. Oo, matagal ko na siyang nakakasabay at nakakasama ngunit hanggang
ngayon ay hindi ko parin alam ang kaniyang pangalan. Sinubukan ko siyang
kausapin noon ngunit nag bago ang aking isip nang tignan niya ako ng may
malalamig na mga mata na tila ika’y mag yeyelo sa sobrang lamig ng mga tingin
niya.
Ah alam ko na ang itatawag ko sa kaniya, tatawagin ko
siyang ‘minty’ dahil sa kulay ng kanyang buhok at dahil sa malamig na mga
tingin niya. Tinignan ko muli si ‘minty’ at napatingin sa orasan sa may itaas
niya. Naku po kailangan ko na umalis. Masyado ata akong naaliw sa pag
examin ng kaniyang mukha at nakalimutan na ang oras.
Natapos ang araw ko na kagaya lang ng iba pang
mga araw. Gigising ng umaga, papasok sa trabaho, uuwing pagod at matutulog.
Nakakabagot man pakinggan pero ganoon lang talaga ang takbo ng buhay ko. Ang
pinaka aabangan ko na lang nga ata sa bawat araw ay ang pagpunta sa convenient
store at makita siya, si ‘minty’, ang misteryosong lalaki na parati kong
nakakasabay sa convenient store. Wala lang, naaliw lang akong nakikita siya sa
araw-araw.
~ Makalipas ang ilang araw ~
7:00 am
“ Packing tape ala-syete na!!! male-late na ako!!”
dali-dali akong nag ayos ng aking sarili at umalis na. Nag punta muna akong
convenient store at sa pagapasok ko hindi ko nakita si ‘minty’ sa may naka
ugalian niyang pwesto. “Himala ata at wala si ‘minty’ ngayon.” Sabi ko saking
sarili. Dali daling hinanap ko ang inuming bibilhin ko at nang mahawakan ko ito
ay may isa pang tao ang nakahawak dito. Tumingala ako upang makita ang isa pang
tao na naka hawak din sa inuming aking bibilhin. Pag tingala ko’y nakasalubong
na naman ng aking mga mata ang malamig na tingin galing sa mga mata niya at
nang dahil doon ay nabitawan ko ang inumin kaya napunta ‘yon sa kaniya. Umalis
na siya sa harapan ko upang bayaran ‘yong kape at heto ako nag hahanap ng isa
pa ngunit wala na akong mahanap dahil sa kasamaang palad ay out of stock na
iyon at huling piraso na yung kaninang hawak ko kaya naiinis na napabuntong
hininga na lang ako. Palabas na sana ako ng convenient store nang maramdaman
kong may humawak sa aking kamay kaya’t napahinto ako sa pag lakad. Tinigna ko
kung sino ito at laking gulat ko na ang humawak sa kamay ko ay si ‘minty’.
“S-si m-minty hinawakan yung kamay ko… SI MINTY HINAWAKAN NIYA YUNG KAMAY
KO?!?!” hindi maka paniwalang tanong ko sa aking sarili. Alam kong ang OA ng
reaksyon pero hindi ako makapaniwala na ang taong hindi ko malapitan noon ay
hawak ang kamay ko ngayon. Mag sasalita n asana ako upang tanungin kung bakit
niya ako hinawakan nang bigla niyang inilapat sa kamay ko yung kapeng nabili
niya sabay lakad paalis. Ni hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kaniya
dahil sa bilis ng pangyayari pero hindi ko na lang iyon inisip dahil male late
na ako at bukas ko na lang siya papasalamatan.
Naging maganda ang araw ko ngayon at isang himala na hindi
ako na badtrip sa mga kasamahan ko sa trabaho. Naalala ko tuloy kanina nung
binigay ni ‘minty’ sakin yung kape. Mabait naman pala siya kahit medya
nakakatakot ang aura niya. Oo nga pala mag papasalamat pa nga pala ako sa
kaniya. Di ko alam kung bakit pero parang na-e-excite akong makausap siya.
~ Kinabukasan ~
Maaga akong nagising at ako’y nag ayos na para sa aking
trabaho. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Kinakabahan ako kasi kailangan
kong kausapin si ‘minty’ ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kasi
normal lang sakin ang makipag usap sa mga istranghero at kung sa tutuusin ako
ay magaling makipag kaibigan sa mga tao pero ngayon ay iba. Kinakabahan akong
kausapin siya. Ahh basta bahala na kailangan ko na umalis upang hindi mahuli sa
aking trabaho. Nakarating na ako sa convenient store at sa pag pasok ko ay
nakita ko si ‘minty’ na nakaupo sa parati niyang pwesto, sa sulok ng
convenient store kung saan ay nakatingin siya labas na tila pinagmamasdan ang
mga taong dumadaan dito. Ang suot niya ngayon ay mahabang itim na coat, itim na
turtle neck na pang itaas at itim na ripped jeans. Bumili muna ako ng aking
inumin at lumapit sa kaniyang lamesa. Dahan dahan akong nag lalakad –dug dug
dug- ang lakas ng tibok ng puso ko at palakas pa ito ng palakas habang ako ay palapit
ng palapit kay ‘minty’. Nang ako’y makalapit na magsasalita na sana ako nang
bigla niya akong tinignan at dahil dun ay walang lumabas na salita sa aking
bibig. Tumingin ulit si ‘minty’ sa labas at dahil dun ay nag lakas loob
ulit akong nagsalita at laking pasalamat ko na nasabi ko ng buo ang aking
pangungusap. “ Hi! Pwedeng maki upo?” tumingin ulit sakin si ‘minty’ at tumango
ng kaunti at tumingin ulit sa labas. Umupo ako at nag salita ulit “ Uhm gusto
ko nga pala mag pasalamat para dun sa kahapon.” Nag hintay ako ng sagot niya
pero hindi man lang siya tumingin sakin at patuloy paring nakatingin sa
bintana. Aalis na sana ako dahil akala ko ay hindi na siya mag sasalita pero sa
pagtayo ko ay laking gulat ko na nag salita siya. “ Wala lang ‘yun, okay na
‘yun at saka mukha kasing mas kailangan mo yun kesa sakin kaya binigay ko
sayo.” Pagkatapos niya magsalita ay tinignan ko siya at nakatingin din siya
sakin pero hindi malamig na tingin kundi siya ay nakangiti, yung ngiting
sinsero. Nang dahil doon ay mabilis akong umupo ulit para kausapin siya at
natawa naman siya sa aking ikinilos. Unang beses ko siyang nakitang
tumawa,ngumiti at magsalita. Nawala na ang kabang nararamdaman ko kanina at
naging komportable na ako. Pero naalala ko na may pasok pa nga pala ako kaya
nag paalam na ako sa kaniya at ganoon din siya. Sabay kaming umalis ng
convenient store at naghiwalay ng daan.
~ kinabukasan ~
Nagising ako ng maaga, nag inat inat at nag ayos. Naisipan
kong pumuntang convenient store at baka sakaling andun si ‘minty’. “Andun kaya
siya ngayon? Kaso sabado ngayon eh. Pero wala namang masama kung titignan ko
no?” sabi ko sa aking sarili at nag ayos ng casual na pananamit. Nagpunta ako
sa convenient store at sa pagpasok ko nakita ko si ‘minty’ naka casual na
pananamit lang din siya. Lumapit ako sa kaniya at nag hello “ Hi minty! Anong
ginagawa mo dito ngayong sabado?” tumingin siya sa akin na parang nag tataka.
Ay! Hindi nga pala niya alam na “minty” ang ginawa kong nickname niya. “ Ha?
anong minty? hahaha. Uhm wala lang trip ko lang magpunta dito. Ikaw, ano
ginagawa mo dito?” “Ahh yung minty, yun yung nickname na
binigay ko sayo dahil sa kulay ng buhok mo tas dati kasi nung tumingin ka sakin
ang lamig ng tingin mo, eh diba ang mint malamig kaya ayun dun nag umpisa yung
nickname na ‘minty’.” Sabi ko sa kaniya nang nakangiti. Natawa lang siya sakin
at sinabi na “Ang layo kaya ng pangalan ko sa minty.” “Ano ba kasing pangalan
mo para ‘di na ako gagawa ng kung ano-anong nickname haha.” . pinakilala niya
ang sarili niya sakin “ Ang pangalan ko ay Ash Williams, ako ay half Filipino
and Korean pero di halata sa pangalan ko kasi mom ko yung Korean, uhm 23 yrs
old ako at graduate ako ng Bachelor of Arts in Fashion Design. Ikaw naman.”.
Sabi na eh di siya purong Pilipino at halata sa paraan ng kaniyang pananamit na
siya ay nasa larangan ng fashion design. Nag pakilala na ako sa kaniya
“Ang pangalan ko ay Declan Lee, half Fil-Kor din ako, 22 yrs old ako kaya
bale ‘hyung’ kita at graduate naman ako ng BS Architecture.” (hyung=kuya)
Nagpatuloy lang kaming dalawa sa pag uusap na parang walang
bukas at mas lalo ko siya ng nakilala. Nalaman ko yung mga bagay na gusto at
ayaw niya, nalaman ko rin na noong bata pa laman siya ay lumipat na sila dito
kaya hindi siya gaanong sanay mag Korean. Marami rin pala kaming pagkakapareho
gaya ng paborito naming kape, paboritong kulay at mahilig din pala siyang mag
travel kagaya ko. Nalaman ko rin na may depression siya and patay napala mom at
may bagong family na ang dad niya sa ibang bansa pero di naman siya
pinapabayaan nito. Ang sabi pa nga niya balak siyang kunin ng dad niya pero
ayaw daw niya kaya hanggang ngayon ay nandito parin siya. Maraming bagay pa
akong nalaman tungkol sa kaniya at sa sobrang nalibang kami sa pag uusap di
namin namalayan na halos buong araw na pala kaming nag ke-kwentuhan dun sa
convenient store. Natapos lang ang pag uusap naming ng biglang may tumawag sa
kaniya at pag tingin namin sa orasan ay alas-otso na ng gabi. Nagpaalam na kami
sa isa’t isa at umuwi na.
~ makalipas ang 3 buwan ~
Magmula nung araw na nag usap kami ay hindi yun ang huling
pag uusap naming ngunit yun pa laman ang umpisa. Araw araw ay aabangan namin
ang isa’t isa sa convenient store at siya parati ang nauuna sakin dun tas sabay
kaming aalis papunta sa aming trabaho. Pag sabado at linggo naman halos buong
araw kaming nandoon at nag ke-kwentuhan tungkol sa mga problema namin maging sa
mga kung ano-ano na lang. Nang dahil dito, naging mas malapit na kami sa isa’t
isa at parang hindi na buo ang araw ko kapag di ko siya nakikita at nakakausap.
Hindi ko alam kung ano ba yung nararamdaman ko para kay Ash. Alam kong lalaki
ako at hindi nararapat ang nararamdaman ko para sa kaniya pero gaya ng sabi ng
iba “mahirap diktahan ang puso”. Pero hindi ko muna ipapaalam itong
nararamdaman ko kasi ayokong masira ng pag kakaibigan naming at sigurado akong
hindi pareho ang naaramdaman naming para sa isa’t isa.. Masyado na kaming
nagging malapit sa isa’t isa at ayokong masira pa ‘yon at ayokong dagdagan pa
ang mga iniisip niya kaya sasarilihin ko muna itong nararamdamn ko para sa
kaniya. Basta ang mahalaga pag kailangan niya ako, nandito ako at pag kailangan
ko siya, andiyan din siya. Lumipas ang dalawa pang buwan at ganoon parin kami,
nagkikita sa convenience store tuwing umaga tila nakasanayan na namin na
magkikita kami dito tuwing umaga araw-araw.
~ makalipas ang ilang linggo ~
Ngayon ay papunta na ako sa convenient store gaya ng
nakasanayan namin ni Ash. Ngunit pag pasok ko ng convenience store ay wala pa
siya sa usual spot namin. “Baka na late lang siya ng gising.” Sabi ko sa aking
sarili at umupo na sa aming pwesto at hinintay ko siya. Ilang oras na ang
lumipas at napag desisyonan kong hindi na muna pumasok sa aking trabaho upang
hintayin siya sa tambayan namin ngunit walang sumipot na kahit anino lang niya.
“Asan na kaya siya?” sabi ko sa sarili ko. Pinipilit kong ipasok sa isip ko na
late lang siya pero wala eh. Buong araw akong nagintay ngunit walang Ash na
nagpakita.
Ilang buwan ang lumipas at araw-araw parin akong nag
pupunta sa convenient store at araw-araw ko paring inaabangan na baka sakaling
mag pakita siya sa usual spot namin pero araw-araw akong nabibigo. Hanggang
ngayon wala man lang siyang paramdam na kahit ano. Basta nawala na lang siya na
parang bula.

Comments
Post a Comment