"Buwan"
“Buwan”
(Tugmang
tula)
Kysha Cordova
Madilim na paligid ang nakikita
walang ibang nakita kundi basura
sa mga mata ng bawat mamamayan
sirang sira na ang mundo’t kalikasan
Paligid na tila ang sarap titigan
ngunit pagkasira’y madaming dahilan
tayo ang sumisira ng kalikasan
kaya’t mga basura’y nagsilutangan
Liwanag sa buwan ay hindi makita
tinakpan ng
hanging amoy basura
tao ang makapag-aayos ng problema
sa ating kalikasang tila nasira na
Pangalagaan natin simula ngayon
upang makita ang atig mga layon
mahalin mo ang ating kalikasan
dahil baka bukas ito ay hindi mo na makita
Comments
Post a Comment