"Pagsubok"

“Pagsubok”
(Tugmang tula)
Kysha Cordova

Magsisimula dito sa ilalim 
Heto ako,nasa ilalim ng dilim 
Natatakot dahil walang dala dala 
Sa pagtawid sa daan ako’y nadapa 

Sa pagkakadapa ako’y tumayo agad 
tagumpay sa bukas ang aking hinangad 
Ang aking mga mata ay naghahanap 
Sa pagkakataong aking hinaharap 

Gabing madilim ko’y naging maliwanag 
hindi alam kung pano ipaliwanag 
bawat segundo sa aral ginugol 
kailaman ay hindi humingi ng suhol 

Simulang maabot ang aking ambisyon 
tulong ng taga-gabay kong Panginoon 
isang bituin na nais kong makamit 

hanggang dulo ako pa rin ay kakapit 

Comments

Popular posts from this blog

"Inang Kalikasan"

"Medalyon"

“Pangarap na Buhay”