"Maskara"



“Maskara”
(Tugmang tula)
Kysha Cordova

Edukasyon ang siyang laging nauuna 
para sa sarili at sa ating bansa 
Ang batang nabigyan ng pagkakataon 
ay ang simula ng bagong henerasyon 

Mga pagbabagong maraming nabuo  
mga prolemang unti-unting namuo 
kabataang gumagamit ng droga 
sila tulo’y nakakulong sa bodega 

Kanilang mga mukha ay nasa papel 
Pruweba na sila ay miyembro ng drug cartel 
Sayang ang pagpapaaral ng magulang 
Kung ang kaalaman ng bata ay kulang-kulang 

Mga mukha na hindi mo mahahalata  
isip at puso nila ay nanlalata 
huwag kang magpapatukso sa kasamaan 

kung ayaw mong magsisi magpakailanman 
















Comments

Popular posts from this blog

"Inang Kalikasan"

"Medalyon"

“Pangarap na Buhay”