"Bato"
“Bato”
(Tugmang
tula)
Charlotte S. Creus
Bato ang sumisira sa’ting lipunan
Karamiha’y ito ang nilalapitan
Ang paggamit nito’y kanilang libangan
Upang problema nila ay matakasan
Ngunit taliwas sa kanilang isipan
Ito’y kasalanan, dapat talikuran
Walang magandang bagay na madudulot
Kundi hinanakit sa sarili’t poot
Pagtalak ng dugo ay kaliwa’t kanan
Putukan banda rito at banda riyan
Maraming tao na ang namatay
Pati ang mga muwang ay nadadamay
‘Di pa huli ang lahat para magbago
Bagong simula ay manggagaling sa’yo
Magandang kinabukasan ang darating
Pagsikat ng araw ating salubungin
Comments
Post a Comment