“Ang Pag-bukas ng Pinto”
“Ang
Pag-bukas ng Pinto”
(Maikling
kwento)
Kysha Cordova
Batid ko ang isang produktibong araw sa umagang ito
dahil isang napakagandang umaga ang sumalubong sa aking pag-gising.Hinanda ang mga
gamit dahil ang mata ko’y sabik makakita ng mga bagong mukha at magkaroon ng
bagong kaibigan.Eto nanaman ang buwan ng hunyo,buwan ng pasukan.Hinanda
ang mga gamit sabay suot ng uniporme at maagang pumasok sa eskwelahan.”Mag-pakilala
kayo sa harapan isa isa para makilala kayo ng buon klase.” ang paboritong
linya ng mga guro kaya naman mabilis tumibok ang puso sa kaba . Nang
tawagin na ang aking pangalan dahan dahang pumunta sa harapan at sinabi sa
sarili “kaya ko ito”, “Ako nga pala si Sophia Marquez labing-limang taong
gulang , nakatira sa sampaloc manila hilig kong magsulat ng tula dahil dito
ko nailalabas ang aking nararamdaman at ako ay isang anak lamang ng
aking magulang” pagpapakilala ko.Pagkatapos magpakilala ng buong klase ay
naghanda naman ng isang aktibidad ang aming guro upang mas makilala namin
ang bawat isa . Tumunog ang kampanilya at ang lahat ay sabik umuwi pang
makipag-kwentuhan sa kanilang mga magulang kung anong nangyari sa unang araw ng klase.
“Anak, kamusta? Masaya ba ang unang araw ng klase ?” salubong ng aking ina
paglabas ko ng paaralan “Masaya ang araw na ito ma,Marami akong nakilalang
mga kaibigan at lahat sila ay mababait” tugon ko sa aking ina habang kami ay
pauwi ng bahay.
Tulad nang nakagawian kong gawin agad pumunta sa
kusina para mag miryenda.Naabutan ko namang naghahain si itay upang sabay-sabay
kaming kumain.Umupo sa silya at dali dali namang inabot ni itay ang paborito
kong spaghetti. Araw araw ay masaya kaming tatlo, kahit na iisa lang akong anak ay
hindi ako nalulungkot dahil pnong puno ako ng pagmamahal sa aking magulang ngunit
nagbago ang lahat isang gabi ay hindi umuwi ang aking tatay , halos hindi na
nakatulog ang aking ina kakahintay sa kaniya . Aaraw araw ay nagaabang ang
aking ina sa harapan ng aming pintuan bakas sa kaniyang mukha ang labis na
pagaalala at lungkot . Wala akong ibang magawa kundi pakinggan ang gabi
gabi niyang pag-iyak hindi ko na rin makita ang pag ngiti sa
kaniyang labi.Sumulat ako ng ilang tula tungkol sa akig ama dito ko inilabas
ang aking nararamdaman.Sa labing-limang taong gulang na kagaya ko mahirap
maiwanan ng isang magulang at mahirap tanggapin na malamang may iba na
siyang pamilya . “Nakita ko siyang may kasamang ibang pamilya kahapon
nng ako’y pauwi, bakita ganoon hindi pa ba kami sapat ng aking ina ?!”
naghahalong galit at naiiyak kong sabi sa kaibigan kong si sean “hindi
naman siguro ganoon hindi ba’t walang pamilyang perpekto at lahat
tayo ay nagkakamali ? mapagtatanto rin ng iyong ama na malaking bagay
ang nawala sa kaniya, huwag ka nang umiyak nandito lang ako lagi para sa iyo”
ang sabi niya. Gumaan ang pakiramdam ko pagka-tapos niya akong aliwin .
Naging matalik ko siyang kaibigan araw araw sabay kaming pumapasok at
umuuwi maski pag kain sa eskwelahan. Siya rin ang naging dahilan kung bakit bumalik
ang pag-ngiti ng aking ina kaya naman madalas siyang imbitahin ni nanay
kumain sa bahay. Walang araw na hindi niya ako napapatawa at napapangiti .
Lumipas ang ilang taon, natanggap na namin ni inay na may iba
nang pamilya ang aking tatay. Naging matatag kaming dalawa namuhay
kaming masaya kahit kaming dalawa na lang ang magkasama sa bahay.Si Sean
ang nagturo sa’akin na may mga bagay talagang mawawala ngunit hindi dapat sumuko
sa pag-agos ng buhay.Habang kami ay nag hahapunan ni ina ay bigla siyang
napatanong “ Anak. Mukang nahuhulog na ata ang loob mo kay sean” “ah eh .. ma, hindi
po . “ yun lng ang nasagot ko kay mama “Sophia, alam kong
nagugustuhan mo na rin siya at alam kong gusto ka din niy napag-daan ko na yan basta
anak ang importante, kung magmamahal ka piliin mo yung taong hindi ka sasaktan
at mamahalin ka hanggang pumuti na ang iyong buhok at sa tingin ko hindi
ka magagawang saktan nang kaibigan mong si sean mabait at maalagang siyang
anak kaya kung ma-swerte sa kaniya ang mga magulang niya ay mas maswerte ang
makakasama niy habang buhay, ganoon ka din anak mapagmahal ka at matatag na
kahit na iniwan na tayo ng iyong tatay ay hindi mo pa rin nagawang sumuko.”ang
sabi ni nanay “Maraming salamat mama , sobra rin po akang humanga sa
katapangan niyo sa pagmamahal na binibigay ninyo bilan nanay at tatay ko .
Ipapangako ko po sa inyo na magtatapos ako nang pagaaral at ako naman ang
magaalaga sa’iyo” niyakap ko kaagad ang aking ina pagkatapos kong sabihin iyon.
Sobra akong nagpapasalamat na nagkaroon ako ng ina na katulad niya. Oo, at
nahulog na nga ang loob ko sa matalik kong kaibigan ngunit natatakot ako dahil baka
pati siya ay iwan lang din ako katulad ng ginawa ng aking ama ngunit nilakasan
ko ang loob ko at nag-tiwala sa kaniya. Sabay kaming kaming
tumanggap ng diploma at sinabitan ng medalya.Ang aking ina ay naiyak sa
tuwa dahil nakapagtapos na ako ng kolehiyo . Nakahanap kaagad kami ng
magandang trabaho ni sean,nag-ipon kami ng pera at saka naiisipang
magpagakasal. Ang sarap sa pakiramdam na maraming nagaabang sa pag bukas
ng pintuan ng simbahan at susundan ng tingin ang paglakad ng bride papunta
sa altar. Nakita ko naman ang aking ina na basang basa ang kaniyang
magandang mukha dahl sa kaniyang pag-iyak.
Bumili kami nang sariling bahay ni Sean gunit ako ay
humiling na kung pwede ay kasama namin ang aking ina dahil ayoko siyang
iwang mag-isa at may pangako akong binitawan sa aking ina na ako
naman ang mag-aalaga sa kaniya. Sobrang nagpapasalamat ang aking ina
sa’aming dalawa ni Sean sa’akin ay wala iyon dahil biang anak ay tungkuli ko
ring alagaan ang aking mga magulang.Habang nag kekwentuhan sa sala at
kumakain ng miryenda ay biglang may kumatok sa pintuan “ako na ang
magbubukas” ang sabi ko kay Mama at Sean.Pagka-bukas ng pituan nanlaki ang
aking mga mata at tila may babagsak na luha “pa?!” “Oo ana ako ito”ang
sabi niya kaya naman wala akong nagawa kundi yakapin siya ng mahigpit, napatayo
naman agad sa kinauupuan ang aking ina at si Sean. “Patawarin ninyo ako ng
iyong ina , nagkamali ako mahal na mahal ko kayo” sabi ni papa habang
umiiyak.Naramdaman ko ang pagsisisi ni papa kaya pinatuloy ko siya sa aming
bahay at niyayang mag-miryenda sa pagkakataong ito ako naman ang nag-abot
sa kaniya ng paborto kong pagkain “Spaghetti pa rin pala ang paborito mo anak” napangiti
na lang ako ng sinabi ni papa iyon “ Victoria, pasensya at nagawa ko kayong
iwan noon ni Sophia nang ganon ganon lang sobra kong pinagsisihan ang aking
ginawa sana mapatawad mo ako” ang sabi ni papa ka mama “Oo at pinapatawad na kita,may
magagawa pa ba ko ikaw lang naman ang laman ng puso ko” at nagsimula
nanaman silang magbolahan.Naging masaya kaming lahat at bago ko pa ipakilala
kay papa ang aking asawa ay kilala na niya dahil nandun siya sa nung araw
na ako ay kinasal ka Sean.Masaya para sa’amin si papa ahil nakapagtapos
kami ng pag-aaral bago at nakakuha ng maganda trabaho bago mag-asawa at
mag-pakasal.Napakaswerte ko sa aking asawa dahil simula bata pa lang ay
tinutulungan na niya ko sa lahat ng bagay at nasa tabi ko siya noong
iniwan kami ni papa hanggang ngayon na bumalik na siya.
Comments
Post a Comment